Image default
Agenparl English Ambiente Salute Social Network

Tagalog News: Mga Caraganon nakilahok sa simultaneous river cleanup

(AGENPARL) – Manila (Philippines), lun 18 febbraio 2019

LUNGSOD NG BUTUAN, Pebrero 18 (PIA) — Sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources o DENR Caraga ay nagsama-sama ang mga Caraganon para sa simultaneous ‘River Clean-Up’ sa buong rehiyon.

Madaling araw pa ay dumagsa na ang mga volunteers mula sa pribadong sektor, iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at pati na rin mga estudyante at sabay-sabay na nagtungo sa clean-up sites sa pamamagitan ng solidarity walk at pagkatapos ay sinimulan ang puspusang paglilinis ng mga estero at ilog.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa mga lugar kung saan nagmistulang tambakan ng mga basura dahil sa hindi tamang pagtatapon ng iilang mga residente.

Ayon kay Atty. Felix Alicer, regional director ng DENR-Caraga, ang gawain na ito ay alinsunod na rin ng direktiba ng environment secretary Roy Cimatu matapos makita ang magandang resulta sa isinagawang rehabilitasyon ng Boracay at ngayon ng Manila Bay.

“Alam naman natin na hind ito ang agarang solusyon sa problema ng solid waste sa rehiyon at ng bansa ngunit ibig natin na iparating ang mensahe na hindi lang responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan, DENR at iba pang ahensya ng gobyerno ang solid waste management kundi ng bawat isa,” sabi ni Alicer.

May ilan-ilan ding mga volunteers ang nakilahok sa simultaneous clean-up.

“Kami po sa Karancho Inc. ay nakikiisa sa activity na ito sa paglinis sa mga estero at mga ilog. Ito ay buong puso naming isinasagawa para sa ating kapaligiran at bayan,” sabi ni Job Marfa, liaison officer ng Karancho, Inc.

Ayon naman kay Edy-Ann Arorong, mag-aaral ng Saint Joseph Institute of Technology, ikinatuwa niya at ng kanyang mga kaklase na naging parte sa nasabing aktibidad.

“Masaya kami na may naiambag para linisan ang mga estero upang maiwasan ang problema ng pagbaha kapag aapaw ito tuwing uulan,” sabi ni Arorong.

Malaki rin ang naitulong ng mga pulis at sundalo.

“Masaya kaming nakilahok sa napakagandang adbokasiya ng DENR. Hinihikayat namin ang lahat ng mamamayan na makilahok sa ganitong proyekto ng gobyerno para malinis na estero at ilog ang madadatnan ng mga kabataan sa susunod pang mga henerasyon.”ayon kay 2Lt. Mary Rose Dela Cruz, 

Samantala, ayon naman kay DENR-Caraga regional director Atty. Felix Alicer, ang gawain na ito ay alinsunod na rin ng direktiba ng environment Secretary Roy Cimatu matapos makita ang magandang resulta sa isinagawang rehabilitasyon ng Boracay at ngayon ng Manila Bay.

“Ang kahalagahan ng aktibidad ay ang mensaheng dala nito kung saan nais nating iparating sa mga residenteng nakatira malapit sa mga estero at ilog na responsibilidad din nila ang tamang pangangasiwa ng mga basura. Kinakailangan ang kooperasyon ng buong komunidad,” dagdag pa ni Alicer.

Ayon sa opisyal ay susundan ito ng kanilang ahensya ng assessment at aalamin kung anu-ano ang pollution sources ng bawat komunidad at kung paano ito masosolusyunan. Hinikayat din niya ang publiko na sanayin ang tamang solid waste management. (VLG/PIA-Caraga)

Fonte/Source: https://pia.gov.ph/news/articles/1018620

Related posts

AVVISO PER PROCEDURA SELETTIVA

Redazione

Yale’s steadfast commitment to our international students and scholars

Redazione

Serata “La dolce vita al Caffè Pedrocchi”

Redazione

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More