Image default
Agenparl English Ambiente Salute Social Network

Tagalog News: Makina sa paggawa ng pekeng sigarilyo, winasak sa Porac

(AGENPARL) – Manila (Philippines), dom 20 gennaio 2019
  Pinangunahan ng Bureau of Internal Revenue, Department of Finance at pamahalaang panlalawigan ng Pampanga ang pagwasak sa mga nakumpiskang makinang ginagamit sa paggawa ng pekeng sigarilyo sa Barangay Mitla, Porac, Pampanga. (Carmela Jane F. Villar/PIA 3) 

PORAC, Pampanga, Enero 20 (PIA) — Pinamunuan ng mga opisyal ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan ang pagwasak sa mga makina sa iligal na paggawa ng sigarilyo mula sa mga pabrika sa Pampanga at Pangasinan. Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, kasama dito ang mga yunit at bahagi ng tatlong filter-making machines, dalawang packaging machine, at makinang ginagamit sa paggawa ng iligal na sigarilyo na may pekeng mga selyo. Bukod sa mga ito, may 484 master cases ng iba’t ibang tatak ng sigarilyo, at mga materyales gaya ng filter rods, tipping papers, packaging foil, at acetate tow, ang sinira sa DiGaMa Waste Facility sa Barangay Mitla sa bayan ng Porac. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dominguez na bagamat hindi ito ang una at huling pagkakataon na sisirain ng pamahalaan ang mga pekeng produkto ng sigarilyo, ito ang unang pagkakataon na sisirain nila ang mga makina sa paggawa nito. Sa pamamagitan aniya ng pagsira sa makina, matitiyak na hindi na ito muling magagamit kailanman upang malinlang ang pamahalaan at mga mamimili sa pamamagitan ng paggawa ng mga pekeng produkto. Dagdag pa ng kalihim, may dalawang malinaw na mensahe ang pamahalaan sa pagwasak ng mga nakumpiskang kontrabando. Una, ipinagbabawal ang iligal na paggawa; at ikalawa, hindi titigilan ng pamahalaan ang mga umiiwas sa buwis.  Sinabi ni Dominguez na sa pagsira sa mga makinaryang ito, inaalis nila ang tukso at itinataas ang panganib para sa mga nais kumita sa naturang iligal na gawain. Samantala, siniguro naman ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Cesar Dulay na patuloy na tutugon ang kanilang STRIKE Team at ipatutupad ang mga batas at regulasyon sa buwis laban sa mga nakikibahagi sa iligal na aktibidad na ito. Bukod sa mga opisyal ng pamahalaan, dinaluhan din ng mga pangunahing personalidad mula sa industriya ng tabako ang nasabing okasyon. (CLJD/MJLS-PIA 3)

Related posts

Diciotti, Salvini: grazie a iscritti M5S per fiducia

Diego Amicucci

Corrotti (Lega): “Minacce di morte gesto vigliacco”

Redazione Redazione

Renzi, fiducia nella giustizia italiana, vedremo

Diego Amicucci

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More