Image default
Agenparl English Ambiente Salute Social Network

Tagalog News: DOH nagbabala sa tumataas na bilang ng kaso ng dengue sa Caraga region

(AGENPARL) – Manila (Philippines), mar 15 gennaio 2019 LUNGSOD NG BUTUAN, Enero 15 (PIA) — Muling nagbabala si Department of Health (DOH) Caraga regional director Dr. Jose Llacuna, Jr. sa Caraganons na panatilihing malinis ang kapaligiran lalo na at tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa ilang lugar sa rehiyon.
Batay sa datos ng DOH Caraga, tumaas ng 186 porsyento ang bilang ng kaso ng dengue sa taong 2018 na may umabot sa 7,529 kumpara sa 2,631 cases noong 2017.
Sa tala na inilabas  ng DOH  nitong Enero 10, 2019, mayroon ng 153 dengue patients ang nakaconfine sa mga ospital ng lungsod ng Butuan at Agusan del Norte, kung saan ang pinakamarami ay nasa Butuan Medical Center na nasa 66.
Ayon pa ni Dr. Llacuna, umiiral pa rin ang Code White Alert sa  health facilities sa rehiyon gayundin ang pagkakaroon ng dengue fast lanes para mas matugonan pa ang mga pangangailan ng mga pasyente.
Samantala, nananawagan naman ang Philippine Red Cross Agusan del Norte-Butuan City chapter sa mga gustong magdonate ng dugo  na bumisita lang sa kanilang local chapter dahil sa tumataas na demand ng dugo dahil na rin sa lumalalang kaso ng dengue sa rehiyon. (NCLM/PIA Caraga)

Related posts

Diciotti, Salvini: grazie a iscritti M5S per fiducia

Diego Amicucci

Corrotti (Lega): “Minacce di morte gesto vigliacco”

Redazione Redazione

Renzi, fiducia nella giustizia italiana, vedremo

Diego Amicucci

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More